HomeTop News Philippines

Bata nalunod sa fish pond sa Camarines Sur

Aksidenteng nahulog sa maliit na fish pond ang bata na ikinalunod nito sa bayan ng Libmanan sa Camarines Sur

LIBMANAN, Camarines Sur – Patay na nang matagpuan ang isang 4 na taong gulang na babae sa maliit na fish pond sa may Barangay Cmambugan sa bayang ito, Martes ng hapon.

Dinala pa sa pagamutan si Edison Biore pero ideneklara na itong dead on arrival.

Ayon sa pulisya, nadulas umano ang bata hanggang sa mahulog sa maliit na fish pond.

Kasama umano ng bata ang kaedad na pinsan nang mangyari ang aksidente.

Hindi naman inakala ng ina ng bata na makakarating sa lugar ang kaniyang anak na nasa kalahating kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.

Ang tatay umano nito ang nagbabantay sa bata.

Hindi maiwasan ng ina ng bata ang magsisi. Nagtatrabaho siya sa katabing barangay bilang tagapagalaga ng sanggol.

Kilalang bibo at matiyagang mag-aral ang biktima sa day care center kung saan ito nagaaral.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.