HomeTop News Philippines

Bangkay ng lalaki natagpuan sa isang isla sa Northern Samar

Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa isang isla sa bayan ng Lavezares, Northern Samar Martes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nagsumbong ang ilang residente nang makita ang isang bangkay sa Bancawan Island sa Barangay Villa.

Tinatayang nasa 50-taong gulang ang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at blue na pantalon.

Samantala, isa ring bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Madalunot sa bayan ng Pinabacdao sa Samar Miyerkoles.

Hinihinalang biktima ng pamamaril ang lalaking nakasuot ng gray na jacket at striped na shorts.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang dalawang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.