HomeTop News Philippines

Bangkay nakitang lumulutang sa ilog Pasig

MAYNILA – Nakitang palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng ilog Pasig sa bahagi ng Barangay Jolo sa Mandaluyong City, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang lalaki na si Joselito Vicente, isang tricycle driver at residente ng No. 83 Coronado Street sa naturang barangay.

Ayon sa isang barangay tanod, posibleng nakuryente ang lalaki dahil sa nakitang wire na nakakabit sa access panel ng poste ng street light.

Kuwento naman ng mga residente, kadalasang ginagawa ito para kuryentehin at manghuli ng mga isda sa ilog Pasig.

Nakita din sa lalaki ang mga gamit panghuli ng isda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.