HomeTop News Philippines

Bahagi ng North Avenue sarado sa mga motorista sa Marso 21-22

Isasara sa mga motorista ang mga lane ng North Avenue papuntang EDSA simula gabi ng Marso 21 hanggang madaling araw ng Marso 22, ayon sa Department of Transportation (DOTr). 

Isasara ang mga EDSA-bound lane ng North Avenue mula Elliptical Road hanggang Mindanao Avenue simula alas-11 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-5 ng madaling araw ng Biyernes, ayon sa abisong inilabas ng DOTr.

Ito ay para bigyang daan ang relocation o paglilipat ng mga linya ng kuryente na apektado ng MRT-7 project sa lugar, ayon sa DOTr.

Inabisuhan ang mga motoristang papuntang EDSA na dumaan sa Quezon Avenue.

Ang mga motorista namang papuntang Veterans Memorial Medical Center ay maaaring dumaan sa Quezon Avenue at kumanan sa Agham Road papuntang North Avenue.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.