HomeTop News Philippines

Bagong laya, arestado sa Davao City buy-bust

DAVAO CITY – Arestado ang isang bagong laya sa buy-bust operation ng Santa Ana police sa Davao City Biyernes ng hapon.

Narekober sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P700,000.

Ayon sa pulisya, kakalaya lang ng suspek matapos makulong ng 8 taon dahil din sa ilegal na droga.

Depensa ng suspek, idinawit lang umano siya. Inamin naman niya na gumagamit siya ng marijuana.

Nahuli rin ang isang lalaki na umano’y kasosyo ng suspek sa pagtutulak.

Mahaharap ang 2 sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.