HomeTop News Philippines

Babaeng naglaba sa ilog, natagpuang patay

SAG√ĎAY, Camarines Sur – Sunog na bangkay na nang matagpuan ang isang babae sa masukal na bahagi ng Barangay Sibaguan sa bayang ito Linggo ng hapon.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, mag-isa sa ilog ang biktimang si Karren Brojan habang naglalaba sa ilog 30 metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Ang asawang si Romeo, namasada ng trimobil sa ibang bayan matapos ihatid sa kapatid ang apat na anak.

Nang hindi umuwi ang biktima bandang ala-4 ng hapon, hinanap na ito ng mga kaanak.

Dito na nila nakita ang bangkay nito 70 metro mula sa ilog. Sinunog ang katawan nito at tinakpan ng dahon ng niyog.

May tinitingnan nang suspek sa krimen ang awtoridad pero hindi muna ito pinangalanan.

Isasailalim rin sa autopsy ang bangkay para malaman kung ginahasa ito at kung ano ang ikinamatay nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.