HomeTop News Philippines

Babae, sinaksak umano ng ex-boyfriend sa loob ng bus

KUTSILYONG GINAMIT, NAKATARAK PA SA DIBDIB

TAGUM CITY – Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang babae matapos undayan ng saksak ng dati umano niyang kasintahan, Martes ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nasa loob ng bus na nakaparada sa terminal ang biktimang si Apple Sumambot, 25-anyos.

Umakyat umano ng bus ang kaniyang dating boyfriend at bigla na lamang siyang sinaksak sa dibdib.

Naiwang nakatarak pa sa dibdib ng biktima ang ginamit na kutsilyo ng suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.