HomeTop News Philippines

Babae nasagasaan ng 10-wheeler truck

TACURONG, Sultan Kudarat – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang ina matapos masagasaan ng 10-wheeler truck sa Tacurong, Sultan Kudarat Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jenny Son Francisco, 20 taong gulang.

Ayon sa mga residente, tumawid sa highway ng Purok San Jose, Barangay New Isabela ang biktima para pumunta sa tindahan.

Pabalik na siya sa pinagtratrabahuhang bar nang huminto ito sa gitna ng highway.

Napaatras ang biktima para iwasan ang humaharurot na sasakyan sa kabilang lane dahilan para mapadpad naman siya sa lane ng 10-wheeler truck na minamaneho ni Winter June Palomo, 23 anyos.

Patungong Tantangan, South Cotabato ang trak para i-deliver ang mga kargang sako-sako ng palay nang masagasaan nito ang biktima.

Sa tindi ng pinsala, nagkalasog-lasog ang katawan ni Francisco.

Nagkaareglo ang dalawang panig at inako na rin ng may-ari ng truck ang gastusin sa pagpapalibing sa biktima.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.