HomeTop News Philippines

Andrea Brillantes at Francine Diaz, nagtarayan sa ‘Showtime’?

MANILA — Ipinakita nina Andrea Brillantes at Francine Diaz, mga bida ng seryeng “Kadenang Ginto,” ang kanilang galing sa pag-arte sa pagbisita nila sa “It’s Showtime.”

Nitong Miyerkoles, naging game ang dalawa sa pakikipagtarayan nang hingin ng mga host ng noontime show na magbigay sila ng patikim sa kanilang mga ginagampanang karakter.

Wala namang paglagyan ang tuwa nina Andrea at Francine nang purihin ng mga host na sina Vhong Navarro, Amy Perez, Mariel Rodriguez at Vice Ganda ang kanilang galing sa pag-arte.

“Sobrang galing! Kayong dalawa ang galing, parang kayo ang bagong generation ng Mara Clara. Ang galing niyong dalawa. Ang ganda ng palabas niyo,” ani Vice Ganda na aminadong nanonood ng “Kadenang Ginto.”

Narito ang nakakatuwang harapan nina Francine at Andrea sa “It’s Showtime.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.