HomeTop News Philippines

Anak ng mayor sa Zamboanga del Sur, timbog sa droga

Nahulihan ng P120,000 halaga ng droga ang anak ng alkalde ng Midsalip, Zamboanga del Sur nitong Biyernes.

Arestado si Liwaya Paras, anak ni Midsalip, Zamboanga del Sur Mayor Leonida Angcap, sa isinagawang raid sa bahay nito sa Oroquieta City.

Nahuli rin ang kaniyang live-in partner na si Leander Lumantas.

Nakuha ang 15 pakete ng shabu, 3 armas at mga bala kay Paras.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.