HomeTop News Philippines

Ama napatay umano ng anak dahil sa alitan sa hapunan

LAMBUNAO, ILOILO – Pinaghahanap ngayon ang isang lalaki matapos umanong pagbabarilin ang kaniyang ama sa bayan na ito noong Biyernes. 

Ayon kay PO2 Jese Fusin ng Lambunao Municipal Police Station, ibinilin umano ng ama na itira sa kaniya ng anak ang parte ng ulo ng manok para sa hapunan. 

Ngunit nainis umano ang suspek na siyang nagsimula ng alitan. Namagitan ang tiyuhin nito.

Nang umalis na ang tiyo ay nakarinig umano ito ng putok ng baril at nakitang nakahiga ang kapatid sa sahig. 

Nagtamo umano ng tama ng bala sa dibdib ang biktima. 

Ayon pa kay Fusin, lasing umano ang suspek nang mangyari ang krimen. May pagkakataong masakit umano magsalita ang suspek kapag nakainom ito, batay sa mga pahayag ng pamilya. 

Tiniyak daw ng mga kaanak na makikiisa sila sa paghahanap sa suspek. 

Ayon sa PNP, hindi pa raw sigurado ang pamilya kung kakasuhan nila ang suspek. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.