HomeTop News Philippines

Ahas, nahulog sa poste sa kasagsagan ng ulan sa Cebu

Nahulog mula sa isang poste ng kuryente ang ahas. Pero bago ito mahulog ay pumutok muna ang isang transformer na nagdulot ng halos walong oras na brownout sa Barangay Mambaling sa Cebu City.

CEBU CITY – Isang ahas ang nakitang nahulog mula sa isang poste ng kuryente sa Barangay Mambaling sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan, Huwebes ng gabi.

Ayon sa residenteng si Bernard Contratista na siyang unang nakakita sa ahas, una niyang narinig ang pagsabog ng transformer ng poste sa harap ng kanilang bahay.

Nang siyasatin niya, isang ahas ang nakalambitin dito at saka nahulog.

Dahil sa pagsabog ng transformer, nawalan ng kuryente sa kanilang sitio. Umabot ng 8 oras bago naibalik ng Visayan Electric Company ang suplay ng kuryente sa lugar.

Ibinigay naman ng mga residente ang ahas sa Mambaling Police Station na planong i-turnover sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.