HomeTop News Philippines

74 na bahay, nasunog sa Catbalogan City

Sumiklab ang apoy sa isang residential area sa Barangay 6, Pier 1 sa Catbalogan City kung saan tinatayang 32 pamilya ang nawalan ng bahay at kasalukuyang nasa evacuation center. Larawan mula kay Reggie Malinao

CATBALOGAN CITY (UPDATED) – Natupok ng apoy ang 74 na bahay sa Barangay 6, Pier 1, Miyerkoles ng madaling araw.

Tinatayang nasa 32 pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation center, habang ang iba ay nakisilong muna sa mga bahay ng kanilang mga kamag-anak, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon pa kay Eliot Lopez ng MDRRMO, pasado alas-12 ng madaling araw nang mag-umpisa ang sunog. 

Naapula ito pasado alas-5 na ng madaling araw.

Wala namang naiulat na namatay sa insidente habang patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad kung ano ang sanhi ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.