HomeTop News Philippines

5 bahay nasunog sa NS Amoranto

MAYNILA — Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa NS Amoranto sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog bandang alas-10 ng umaga at mabilis itinaas sa ikatlong alarma. 

Sa imbestigasyon, lumalabas na nagmula umano ang sunog sa nag-overheat na electric fan sa bahay ng isang Antonietta Reyes. 

Wala namang malalang nasaktan sa insidente, bagama’t may 13 pamilya ang naapektuhan sa sunog.

Aabot sa 5 bahay ang nasunog na agad ring naapula. Tinatayang P50 libo ang halaga ng mga nasirang ari-arian. –ulat mula kay Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.