HomeTop News Philippines

4 umano’y holdaper patay sa engkuwentro sa Pampanga

Patay ang mga suspek sa pangho-holdap sa isang convenience store sa Apalit, Pampanga matapos ang engkuwentro laban sa mga pulis. Apalit Municipal Police Station

Patay ang apat na hinihinalang holdaper sa engkuwentro laban sa mga pulis sa Apalit, Pampanga Huwebes ng madaling araw.

Sa report ng Apalit Municipal Police Station, nakatanggap sila ng report kaugay ng pangho-holdap sa isang convenience store sa Sitio Sampaga, Barangay San Vicente sa Apalit.

Nakatakas na ang mga suspek sakay ng isang pulang AUV papunta sa direksyon ng bayan ng Macabebe pero naharang sila ng mga nagpapatrolyang pulis sa Sitio Caldera, Barangay Sulipan matapos makatanggap ng flash alarm.

Nauna umanong binaril ng mga suspek ang nakaharang na blocking team, dahilan para gantihan sila ng putok ng mga pulis at mapatay.

Na-recover sa crime scene ang mga baril at ninakaw na pera. Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga napatay na lalaki.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.