HomeTop News Philippines

3 hinihinalang tulak, timbog sa buy-bust sa Malate

MANILA – Arestado ang 3 hinihinalang tulak ng droga matapos nilang makatransaksyon ang mga undercover na pulis sa Malate, Biyernes.

Sa mismong bahay ng 32-anyos na suspek na si alyas “Juditha” sa Maria Orosa Street binigay ng tulak ang shabu sa pulis kapalit ng P300.

Inaresto din ng mga awtoridad sina alyas “Rocky”, 50, at alyas “Racelle”, 33, na naabutan sa loob ng naturang bahay.

Anim na sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa 3 suspek.

– ulat mula kay Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.