HomeTop News Philippines

3 bata nalunod sa Negros Occidental

NEGROS OCCIDENTAL – Nalunod ang 3 bata sa Victorias City, Negros Occidental sa magkahiwalay na insidente noong Miyerkoles.

Sa Barangay 10, nalunod sa isang balon ang 2 anyos na kambal na sina Sara at Kara Mendoza.

Natagpuan sila ng mga kamag-anak sa balong may lalim na 8 talampakan. Dinala pa sila sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, iniwan ang kambal sa kanilang lola habang nagtatrabaho ang kanilang magulang sa tubuhan.

Samantala, nalunod ang 3 anyos na si Jay Ian Silva sa isang sapa sa Barangay 8.

Ayon sa pulisya, maaaring naglalaro sa gilid ng sapa ang bata at posibleng nahulog ito.

Dinala rin sa ospital ang bata pero hindi na umabot ng buhay. – ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.