HomeTop News Philippines

2 sugatan sa pananaksak sa Valenzuela

MAYNILA — Dalawang factory worker ang sugatan matapos pagsasaksakin ng dalawang lalaki sa Fortune 4 Village sa Barangay Parada, Valenzuela City Linggo.

Ayon sa pulisya, nasa loob ng kanilang barracks ang mga biktimang sina Rino Mestiola, 23 anyos, at Rey Singson, 18 anyos, nang pumasok ang mga suspek na sina Jerry Surio at Mario dela Cruz.

May dalang kutsilyo si Surio habang nagsilbi namang bantay si Dela Cruz at nang makita ang dalawang biktima ay agad silang inundayan ng saksak.

Tinamaan sa dibdib si Mestiola habang nagtamo naman ng tatlong saksak sa dibdib at tiyan si Dela Cruz.

Naisugod sa ospital ang mga biktima at nasa maayos nang kalagayan.

Nakatakas naman ang mga suspek.

Ayon sa mga biktima, mayroon na silang dating alitan ng mga suspek na kasalukuyan pang pinaghahanap ng awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.