HomeTop News Philippines

2 patay sa pamamaril sa Albuera, Leyte

Patay ang umano’y miyembro ng Espinosa Drug Group at live-in partner nito sa Albuera, Leyte nitong Huwebes.

Kinilala ang mga biktima na sina Jesus Tulin at Sunshine Paton-og.

Ayon kay Senior Insp. Salvador Apacible, hepe ng Albuera Police, nasa isang tinutuluyang bahay ang dalawang biktima nang pasukin ito ng mga armadong naka-bonnet na mga lalaki at pinagbabaril.

Napag-alaman na nagsisilbing caretaker si Tulin sa nasabing bahay na pagmamay-ari ng isang contractor sa Ormoc.

Ang bahay ay malapit lamang sa hotel na pagmamay-ari ng mga Espinosa.

Si Tulin ay hitman din umano ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Dati nang naharap sa kasong murder si Tulin ngunit na-dismiss ito dahil sa pag-atras ng ilang testigo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.