HomeTop News Philippines

2 patay, 2 sugatan sa mga pamamaril sa South Cotabato

Dalawa ang patay at 2 ang sugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Polomolok, South Cotabato nitong Miyerkoles.

Patay si Rhod Ubpon, kagawad ng Baragay Rubber, matapos barilin habang naliligo sa posong malapit sa bahay nito bandang alas-7 ng umaga.

Sugatan naman ang dalawang anak nito na humabol sa hindi pa kilalang salarin matapos tamaan ng bala sa braso, siko at tiyan.

Naitakbo agad sila sa ospital at nasa mabuti nang kalagayan.

Tumakas ang gunman sa pamamagitan ng pagsakay sa motorsiklo ng kasamahan nito.

Ayon sa misis ng biktima, ilang araw bago ang pamamaril, may namataan na raw ang kaniyang mister na umaaligid sa kanila.

Ayon kay Senior Insp. Romeo Albano, deputy chief ng Polomolok Police, nasa drug watchlist ang pangalan ng biktima.

Nasundan pa ang insidente sa bayan at patay din sa pamamaril ang tricycle driver na si Nasser Usman habang naghihintay ng pasahero sa Barangay Poblacion pasado alas-11 ng umaga.

Tinamaan ang biktima sa braso at pisngi. Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit nasawi rin nitong Miyerkoles ng hapon.

Hindi naman naplakahan ang motorsiklong ginamit ng riding-in-tandem.

Ayon kay Albano, nasa drug watchlist din nila ang biktima, pero tinitingnan nila ang iba pang anggulo sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.