HomeTop News Philippines

2 napatay sa Malolos buy-bust

BULACAN – Patay ang isang lalaki at isang babae sa buy-bust operation sa Malolos City, Bulacan Lunes ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Narekober sa kanila ang bulto-bulto ng hinihinalang marijuana at mga baril.

Ayon paunang ulat ng Bulacan police, isinagawa ang operasyon sa isang resort alas-8:30 ng gabi.

Nagpaputok umano ang mga suspek nang matunugan na pulis ang kanilang katransaksiyon. 

Gumanti ng putok ang mga pulis na dahilan sa pagkamatay ng mga suspek. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. – ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.