HomeTop News Philippines

2 magsasaka timbog sa pagtatanim ng marijuana

Naaresto noong Sabado ang 2 lalaking magsasaka matapos matuklasang nagtatanim umano sila ng marijuana sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental.

Sa bisa ng search warrant, nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad sa umano ay taniman ng marijuana nina alyas “Dongdong,” 27, at alyas “Ramram,” 18, sa Barangay Tubaon.

Pinagbubunot at agad sinunog ng mga awtoridad ang nasa higit 10,000 tanim na marijuana na nagkakahalagang P2.1 milyon.

Narekober din sa 2 magsasaka ang 3 improvised 12-gauge shotgun, 2 air gun at isang kutsilyo.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.