HomeTop News Philippines

2 lalaki timbog sa magkasunod na buy-bust sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY – Dalawang lalaki ang arestado sa magkasunod na operasyon kontra droga sa lungsod na ito Linggo ng hapon.

Alas-2 ng hapon nang matimbog si Levie de Castro sa Barangay Bagong Sikat. Nakuha mula sa kaniya ang isang sachet ng hinihinalang shabu, P2,100 na marked money at cellphone.

Bandang alas-5 naman nang maaresto si Christian Sobrepeña sa Barangay Kalipay. Nakuha naman mula sa kaniya ang isang sachet rin ng hinihinalang shabu, P1,100 na marked money at cellphone na ginagamit umano niya sa pakikipagtransaksyon.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon sa Puerto Princesa police, ipagpapatuloy nila ang kanilang mga operasyon hangga’t hindi nasasawata ang ilegal na droga sa lungsod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.