HomeTop News Philippines

133 estudyante nalason umano sa spaghetti sa Surigao del Sur

LIANGA, Surigao Del Sur – Umabot sa 133 estudyante ang isinugod sa Lianga District Hospital dito sa bayan matapos makaranas ng ilang sintomas ng food poisoning, Sabado ng umaga.

Ilan sa kanila ay nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos kumain sa inihandang spaghetti sa Christmas party ng eskuwelahan.

Ayon sa pulisya, alas-8 ng umaga ang Christmas party ng mga bata. Makalipas ang dalawang oras ay nagsipuntahan na sa ospital ang mga estudyante na may edad 5 hanggang 10.

Wala pang detalye kung sino ang nagluto ng spaghetti at kung ito ba ang dahilan ng pagkakalason ng mga bata.

Nakalabas naman ng ospital ang 102 estudyante matapos na bumuti ang pakiramdam habang nasa 31 pa ang naka-confine at patuloy na ino-obserbahan dahil sa dehydration.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang sanhi ng pagkakalason ng mga bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.