HomeTop News Philippines

12 CAFGU at 2 sundalo bihag umano ng NPA

BUTUAN CITY – Bihag umano ngayon ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ang 12 miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at dalawang sundalo matapos ang pag-atake sa isang detachment sa New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang 401st Brigade ng Philippine Army hinggil sa nangyaring raid.

Ayon sa spokesperson ng NPA Guerilla Front 21 na si Ka Sandara, walang nangyaring putukan pero matagumpay umano nilang nakuha ang mahigit sa 20 armas na kinabibilangan ng M16 at M14 rifle,
baby machine gun at M203.

Itinuturing nilang prisoners of war ang kanilang mga bihag pero nangakong pahahalagahan ang karapatang pantao ng mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.