OPM artists reveal their biggest frustrations about the music industry OPM artists share the changes

052017-Concert_PUSH.jpg

Muling magsasama-sama sa darating na May 27 ang mga music icons ng OPM na sina Ariel Rivera, Christian Bautista, Joey Generoso, Nina, Jinky Vidal at Hajji Alejandro para sa #LoveThrowback2 the repeat concert sa PICC plenary hall.


Sa naganap na concert chikahan with the press, naibahagi nila ang kanilang mga hinaing sa malaking pagbabago na kanilang napansin sa kalidad ng OPM ngayon.

Para kay Christian Bautista, ang kakulangan ng avenue ng mga musikero ang kanyang napansin.

“Mas maraming platform and venues sana ng mga performers, kasi sa ASAP ka nalang makakpanuod ng kumbaga concert style na napagsasama-sama yung mga performers in one stage.”


Si Jinky Vidal naman, ang kalidad ng mga tagos sa pusong musika ang nais niyang maibalik.

The way the song is written now is so repetitive, parang walang masyadong mensahe or bigat yung mga kanta. Siguro sa mga songwriters today huwag natin bitawan yung pinanghahawakan na important message at the same time huwag sana mawala ang sariling tunog ng OPM.”


Para naman sa lead vocalist ng Side A band na si Joey Generoso, “Siguro ang biggest frustration ko kung paano pa kaya mababalik yung OPM noon sa ngayon kasi ngayon computerized na lahat. In an instant pwede na gumawa ng lyrics.”


Si Hajji Alejandro ang pagsasama ng luma at makabagong paraan ang nakikitang paraan upang muling umusbong ang OPM.

“Hindi frustration siguro observation lang. Iba talaga ang gawa ng composers before sa ngayon, noon even without the music lyrics palang ng awitin poetry na and ma appreciate mo agad.”


Pahayag pa ni Hajji, magkaroon din sana ng mga bagong music composer na susunod sa yapak nila Willie Cruz at George Canseco.

“Sana mapalitan sila [Willie Cruz and George Canseco] ng mga new breed of songwriter and composer na nainspired sa word nila na in their own way sa makabagong paraan and mailabas yung tunay na message ng isang kanta,” pagtatapos nilang pahayag.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Facebook Auto Publish Powered By : XYZScripts.com