Jodi Sta. Maria compares Xian Lim and Joseph Marco to Ian Veneracion and Richard Yap

050917-JodiStaMaria_PUSH.jpgAyon sa bida ng Dear Other Self na si Jodi Sta. Maria, walang gaanong pinagkaiba ang pakikipagtrabaho sa mas batang aktor tulad nina Joseph Marco at Xian Lim kumpara kina Ian Veneracion at Richard Yap na nakatambal sa pelikulang The Achy Breaky Hearts.

“Kasi ’pag sinabi mong bata, parang child star, do’n papunta,” natatawa niyang reaksyon.

“Pero hindi ko talaga kasi ma-consider sila na parang mga bata. Though sa age, oo, mas bata sila sa akin. Pero I think, ’yung level of maturity naman nitong dalawang lalaking ito ay hindi naman nalalayo sa akin. ’Yun lang siguro ang masasabi ko,” dagdag niya.

Inamin din ng aktres na hindi na niya kinailangan pang mag-adjust sa dalawang leading men.

“Ay, hindi, alam mo, sobrang blessing nga, eh, kasi pinadali nilang dalawa ’yung trabaho ko.

“Kasi dumarating sila sa set na alam na nila ’yung gagawin nila and I think, professionalism is very important.

“So, nasa sa kanila naman ’yung quality na ’yun,” katwiran niya.

First time parehong nakatrabaho ni Jodi ang dalawang aktor kaya natanong siya kung kumustang katrabaho ang mga ito.

Una niyang inilarawan si Joseph.

“It was fun working with him, nakakatuwa because isa siyang tao na talagang sineseryoso niya ’yung trabaho niya.

“Nakakatuwa na dumarating talaga siya sa set nang prepared and talagang inaaral niya ang mga eksena niya. And nakakatuwa do’n sa mga mas nakababatang artista na ganu’n ’yung attitude nila pagdating sa trabaho,” kuwento ni Jodi.

Si Xian naman daw ay cute ang pagkakaroon ng childlike qualities.

“He’s always in awe of the things that he sees, parang he enjoys his life, he enjoys the world he lives in, he enjoys the moment and ’yun ’yung magandang nakikita ko sa kanya.

“Hindi siya childish pero childlike. There’s a sense of awe and enchantment do’n sa mga bagay na ginagawa niya,” pagde-describe ni Jodi kay Xian.

Palabas na ang Dear Other Self sa May 17. Sa direksyon ito ni Veronica Velasco mula sa Star Cinema.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Facebook Auto Publish Powered By : XYZScripts.com